Kwalipikasyon ng mga cold storage sa bansa, pinatitiyak

PINATITIYAK ni Senator Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang kwalipikasyon ng mga cold storage  na paglalagyan ng mga COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Nauna nang tiniyak ng mga eksperto, na mahalaga ang cold chain storage para matiyak na mananatiling epektibo ang mga bakuna hanggang maiturok sa mga tao.

Sa panayam ng SMNI News kay Go, sinabi nitong, malaking bagay na masiguro na mayroong sapat at kwalipikadong cold chain storage ang bansa para sa preserbasyon ng mga bakuna.

Matatandaang ilang araw mula ngayon ay inaasahan ang pagdating ng ibat-ibang klase ng bakuna kontra COVID-19 gaya ng ipinangako ng pamahalaan.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng mambabatas sa publiko ang panawagang magtiwala sa kapasidad ng mga eksperto ng pamahalaan habang patuloy nitong inaaral ang seguridad ng mga papasok na bakuna sa bansa bago ito iturok sa mga pangunahing benepisyaryo nito gaya ng medical frontliners sa ibat ibang panig ng bansa

Ayon sa datos ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, nasa limang cold storage na ang sumailalim sa inspeksiyon ng grupo.

Mula sa 41 na nagsumite ng kanilang aplikasyon bilang vaccine hub sa buong bansa.

Samantala, muling kinatawan ng senador ang opisina ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagbisita sa Philippine Navy at Philippine Army Golf Course para magbigay ng tulong sa mga empleyado sa lugar.

Katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, umabot sa walongdaang benepisyaryo mula sa dalawang golf course ang nahatiran ng tulong ng senador at nasabing mga national agencies.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.