ISINASAGAWA na ng Ukraine ang rehabilitasyon ng mga nawasak na imprastraktura sa Trostianets kahit nagpapatuloy pa ang digmaan nila sa pagitan ng Russia.
Ang naturang lugar ang isa sa anim na kasama sa pilot programme ng rehabilitasyon gaya ng Borodianka at Moshchun na malapit sa Kyiv; ang Yahidne sa hilagang bahagi ng Ukraine; Tsyrkuny sa silangan; at Posad- Pokrovske sa timog.
Inamin ng Ukraine na maraming pera ang kakailanganin para dito at ayon pa nga sa World Bank, mahigit $400-B ang nararapat na pondo para sa rehabilitasyon.
Noong Oktubre 2023 ay nasa $1.6-B ang inisyal na nalikom na pondo para dito at nabigyan na ang anim na lugar ng tig-$86-B.