Kyiv, Ukraine, tinamaan ng missile; 45 katao, sugatan

Kyiv, Ukraine, tinamaan ng missile; 45 katao, sugatan

45 ang sugatan at napinsala ang ilang imprastraktura matapos inatake ng isang missile ang Kyiv, Ukraine ngayong araw, Disyembre 13, 2023.

18 dito ay mga kabataan na agarang dinala sa ospital habang 27 ang nilapatan ng on-the-spot medical treatment.

Alas tres ng umaga doon nang marinig ang malakas na mga pagsabog ayon kay Kyiv Mayor Vitali Ktischko.

Noong Lunes, Disyembre 11 ay inatake na rin ng Russian missile ang labas ng Kyiv.

Apektado rito ang nasa 100 kabahayan at nagresulta ng temporaryong pagkawala ng kanilang kuryente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter