BABALIK na si L.A. Tenorio ng Barangay Ginebra sa kaniyang “active duty” ngayong Linggo, Disyembre 3.
Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, excited na sila para kay Tenorio at aasahan na maglalaro na rin ito.
Matatandaang balik na sa pag-eensayo si Tenorio noong Oktubre matapos ang ilang buwang pag-rerecover nito mula sa sakit na colon cancer.
Sa isa sa mga post nito sa Instagram, makikita si Tenorio na nagsasagawa ng dribbling drills.
Matatandaang noong Setyembre ay idineklara nang “cancer-free” ng mga doktor ang basketbolista.
Buwan ng Marso nang inanunsiyo ni Tenorio na mayroon siyang stage 3 colon cancer.
Buwan ng Abril naman ay sinabi na nito na tumor-free na siya matapos sumailalim sa operasyon.