LA Tenorio, posibleng maglalaro muli sa Oktubre

LA Tenorio, posibleng maglalaro muli sa Oktubre

POSIBLENG maglalaro na muli ngayong October 2023 si Barangay Ginebra star Lewis Alfred ‘LA’ Vasquez Tenorio.

Aniya, talagang hinahanap ng kaniyang katawan ang paglalaro ng basketball.

Naniniwala rin siyang makababalik sa PBA sa lalong madaling panahon dahil positibo ang feedbacks ng kaniyang doktor hinggil sa kaniyang kalusugan.

Sa ngayon ay sumasailalim pa si Tenorio sa kaniyang cancer treatments sa Singapore bawat 2 linggo.

Buwan ng Marso nang inanunsiyo ni Tenorio na mayroon siyang stage 3 colon cancer.

Buwan ng Abril naman ay sinabi na nito na tumor-free na siya matapos sumailalim sa operasyon.

Subalit nilinaw ni Tenorio na hindi pa siya cancer-free.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter