La Trinidad, Benguet labis na napinsala ng Bagyong Maring

La Trinidad, Benguet labis na napinsala ng Bagyong Maring

MATINDING pinsala ang naidulot ng Bagyong Maring matapos manalasa ito sa La Trinidad, Benguet.

Hindi ito inaasahan ng mga residente gayong hindi naman sentro ng bagyo ang kanilang lugar.

“Hindi namin alam na malakas pala ang ulan, malaki ang impact malaki ang effect ng Maring sa Munisipyo ng La Trinidad kasi alam namin na walang signal, ang signal number 2 naging signal number 3 ang lakas kasi dirediretso ang ulan,’’ayon kay Mayor Romeo Salda.

‘’Honestly para sa akin looking at the forecast nasa taas eh tinitingnan ko nasa taas ngayon ang ineexpect natin hindi gaano pero pagdating ng typhoon dun natin nalaman na heavy rainfall pala eh most of us maybe were caught unaware,’’ayon kay Brgy. Capt. Tyrone Diaz.

Hindi man bago sa mga residente ng La Trinidad ang baha dulot ng isang bagyo, hindi anila ito madaling harapin dahil kinakailangan na naman nilang bumangon mula sa pinsala na tinamo ng kanilang tahanan, ari-arian at kabuhayan.

‘’It really hurts when you consolidate the reports yung malalaman mo na lang na may bahay pala na nasira yung farms na instead ma-harvest natabunan ng flood usually yun ang mga nangyayaring problema natin livelihood are very much challenged during typhoons,’’dagdag nito.

‘’May initial assessment po kami sa crop damages sa vegetable P4.2-M; strawberry P713,000; sa cut flower P1.2-M; and sa facilities namin na agriculture is P5-M,’’ayon kay Mayor Salda.

‘’Alam ko maraming nasira, maraming nawala pero kung bibigay ka sa lungkot wala eh, so ang ginagawa ko, hinanda ko na ang sarili ko pagdating ko dito ang ginawa ko dito nag-ayos na hindi na ako nag compute kung magkano nawala kasi hindi na maibabalik yun,’’ayon kay Julie Ann Bautista, Strawberry farmer.

Tinatayang aabot sa mahigit P12-M ang halaga ng napinsala ng bagyong Maring sa lalawigan ng La Trinidad.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na tinatayang nasa P1.74 billion ang halaga ng agricultural damage ang iniwan ng pananalasa ng bagyo.

Maliban sa La Trinidad, matinding pinsala din ang naranasan ng mga magsasaka at mangingisda mula sa Cordillera administrative region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas at Soksargen.

SMNI NEWS