Labi ng 4 na sakay ng Cessna plane na bumagsak sa Bulkang Mayon, natagpuan na

Labi ng 4 na sakay ng Cessna plane na bumagsak sa Bulkang Mayon, natagpuan na

NATAGPUAN na ang labi ng apat na pasahero ng bumagsak na Cessna plane malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon nitong weekend.

Kinumpirma ito ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo.

Sa isang panayam, sinabi ni Baldo na search and retrieval operation na ang isinasagawa ngayon ng mga rescuer at mano-manong ibababa ang mga biktima mula sa bulkan.

Samantala, kinumpirma rin ng Energy Development Corporation (EDC) ang pagkasawi ng 4 na sakay ng eroplano kung saan dalawa dito ay consultant sa nasabing kumpanya.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang EDC sa pagkasawi nina Pilot Captain Rufino James Crisostomo Jr., Joel G. Martin, Simon Chipperfield, at Karthi Santhanam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter