Labi ng higit 300 OFWs sa Saudi Arabia, nakatakdang iuwi sa bansa — DOLE

Labi ng higit 300 OFWs sa Saudi Arabia, nakatakdang iuwi sa bansa — DOLE

INAASAHANG maiuuwi na sa bansa ang labi ng mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) mula Saudi Arabia sa susunod na linggo.

 

Ito ang inanunsyo ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III sa House inquiry ukol sa immigration policy response ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Bello,   magpo-provide ang Department of Transportation ng dalawang cargo planes para maiuwi ang 301 na nasawing OFWs sa nasabing bansa.

 

Kabilang sa mga iuuwi ang mga nasawi sa COVID-19.

 

Sinabi ni Bello na sa inisyal na desisyon ay hindi na pauwiin ang mga labi ng mga nagka-COVID.

 

Gayunman, matapos aniya ang konsultasyon sa Department of Health at mga kamag-anak ng mga nasawi ay napagdesisyon nilang irekonsidera ang desisyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.