DUMATING na sa bansa ang labi ng OFW na pinatay sa Saudi Arabia na si Marjorette Garcia ngayong Biyernes, Oktubre 13, 2023.
Ang labi ng OFW ay sinalubong sa International Cargo Terminal ng kaniyang pamilya, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio at Kabayan Party-list Cong. Ron Salo.
Bibigyan ng hero’s welcome ang labi ni Marjorette na isasagawa sa San Jacinto, Pangasinan, araw ng Sabado.