Labi ng mga nasawing OFW sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19, iki-cremate

Labi ng mga nasawing OFW sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19, iki-cremate

IDEDERETSO sa crematorium pagdating sa Pilipinas  ang mga labi ng overseas Filipino workers (OFW) na nasawi sa COVID-19 mula Saudi Arabia.

 

Sa isang phone interview kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa SMNI,  kinumpirma nito na nasa 301 ang kabuuang bilang ng mga labi ng mga OFW na iuuwi sa bansa.

 

Nilinaw din ni Bello na 152 dito ay mga nasawi mula sa sakit na COVID-19 at 149 naman sa natural cause.

 

Magpapadala ang Philippine government ng cargo planes para isakay ang mga labi ng naturang OFWs.

 

“Ayun, pagdating dito tuloy-tuloy yung mga namatay sa COVID sa crematorium at  iki-cremate sila ,yung sa normal ibibigay namin sila sa kamag-anak nila bahala na sila kung paano ilibing,” pahayag ni Bello.

 

Dagdag pa ng kalihim pinaplanuhan pa nila ang skedyul ng  pagpapauwi sa mga labi ng mga OFW  dahil sa dami ng rekwest at requirements na hinihingi ang Saudi Arabia.

 

Dahil dito, mula sa 72 hrs na palugit na ibinigay sa kanila ng Saudi government ay muli sila humingi pa ng extension.

 

Matatandaan sa initial na desisyon ay hindi pinayagan ng Inter Agency Task Force na pauwiin ang mga labi ng mga nagka-COVID bagay na ikinabahala ng mga kamag-anak nito.

 

Nirekonsidera ang desisyun matapos ang konsultasyon ng Department of Health at sa mga kamag-anak ng mga nasawi.

 

Samantala ay tiniyak naman ni Bello na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapauwi sa mga OFWs mula Saudi Arabia lalo na’t sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic crisis.

 

“Tuloy- tuloy naman ang repatriation namin everday mga at least 600 to 1,500 ang pinapauwi namin, “ ayon kay Bello.

 

Ngayong araw ng Martes, nakauwi na ang  nasa mahigit 300 OFW na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Saudi Arabia.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.