Labi ng Pinay na namatay sa Kuwait dahil sa coal suffocation, nakauwi na sa Pilipinas

Labi ng Pinay na namatay sa Kuwait dahil sa coal suffocation, nakauwi na sa Pilipinas

DUMATING ang labi ni Jenny Alvarado sakay ng Kuwait Airways Flight 417 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Mula sa NAIA, de-derecho ang pamilya ni Jenny sa Cavite para sa isasagawang re-autopsy.

Sinalubong ng mga opisyal ng gobyerno, na pinangunahan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang labi ni Alvarado.  Kasama rin ang pamilya at mga kaibigan ng OFW.

Matatandaang nagkaroon ng pagkakamali noong nakaraang araw kung saan isang bangkay ng Nepalese ang unang dumating mula Kuwait imbes na ang labi ni Jenny.

Hindi nakasama sa pagsalubong ang mister ni Jenny na si Danilo Calisin dahil nasa ospital ito matapos magkaroon ng stroke nang malaman ang nangyari sa kanyang asawa.

Hindi rin nakapunta ang panganay na anak ni Jenny dahil nagbabantay ito sa kanyang ama sa ospital.  Ang mga nakababatang anak ni Jenny ay sinamahan ng mga opisyal ng barangay sa Montalban, Rizal.

Tumanggi munang magbigay ng panayam ang mga anak dahil sa emosyon.

Tiniyak ni Secretary Cacdac ang agarang tulong sa naulilang pamilya ni Jenny.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter