Labi ng yumaong flight attendant ni Christine Dacera, naiuwi na sa GenSan

KANINANG pasado alas tres ng umaga nang dumating na mga labi ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera  sa PAL Cargo Terminal para iuwi na nga ito sa General Santos City.

Habang ang kamag-anak at  kaibigan ni Christine ay dumating naman sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ng alas sais ng umaga.

Lulan ng Philippine Airlines Flight PR 453 ang labi ni Christine at mga kamag-anak nito na umalis pasado alas otso kaninang umaga.

Matatandaan bago pa man dinala sa PAL cargo ang katawan ni Christine ay una na itong dinala sa Camp Crame kung saan nailagak pansamantala ang mga labi ng yumaong flight attendant.

At kagabi din ang final viewing para sa mga kaibigan at mahal sa buhay  ni Christine na nais siyang makita sa huling pagkakataon dito sa Manila.

Samantala, bago pa man umalis ay nagpaabot ng pasasalamat nga si Sharon Dacera ang ina ni Christine dahil sa patuloy na suporta sa kanilang pamilya habang umaasa pa rin na mabibigyan ng hustiya ang pagkamatay ng dalaga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.