Labor education, ikinasa para sa Grade 12 students ng Mandaluyong

Labor education, ikinasa para sa Grade 12 students ng Mandaluyong

IKINASA ng Mandaluyong City Government Ang Labor Education para sa Grade 12 students ng Highway Hills Integrated School.

Ito ay sa pangunguna ng Mandaluyong Public Employment Services Office (PESO) at ng DOLE-NCR, Pamamarisan Field Office.

Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ang mga magsisipagtapos na mag-aaral sa school year na ito ng mga kaukulang impormasyon sa paggawa at karapatang manggagawa.

Nabigyan-linaw rin ni DOLE-NCR Senior Labor and Employment Officer Jonathan Manuel at mga kawani ng PESO-Mandaluyong ang mga karagdagang katanungan ng mga mag-aaral na may kinalaman sa labor sector.

 

 

Follow SMNI News on Twitter