Labor group, nagpasa ng P100 wage hike petition

NAGPASA ang isang labor group na Defend Jobs Philippines ng pormal na petisyon na naglalayong madagdagan ng P100 ang kita ng lahat ng manggagawa sa buong bansa.

Sa five-page petition na ipinasa sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), sinabi ng Defend Jobs na ang kasalukuyang minimum wage sa iba’t ibang rehiyon ay hindi sapat para sa isang desenteng pamumuhay.

Ayo kay Defend Jobs Spokesman Christian Lloyd Magsoy, kailangang masiguro ng pamahalaan na sa kalagitnaan ng economic at national public health emergency ay hindi na mas mahihirapan pa ang mga poorest working class.

Sinabi rin nito na ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin at basic services ay tumaas na simula nang magkaroon ng wage hike sa mga manggagawa ng Metro Manila at hindi na ito sapat para sa mataas na inflation rate.

Hinimok din naman ni Magsoy ang ibang labor groups na magpasa ng kaparehong petisyon na naglalayong mapataas ang suweldo ng mga manggagawa sa ibang rehiyon.

SMNI NEWS