Labor group, pinasalamatan ang job opportunities na dala ni PBBM mula sa US

Labor group, pinasalamatan ang job opportunities na dala ni PBBM mula sa US

WELCOME development para sa labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga trabahong iuuwi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Pilipinas mula sa kaniyang working visit sa Estados Unidos.

“We return to the Philippines with over US$1.3 Billion in investment pledges that have the potential to create around 6,700 new jobs for Filipinos within the country,” ayon kay Pangulong Marcos.

‘Yan ang mga oportunidad na pasalubong ni Pangulong Marcos mula sa kaniyang official working visit sa US.

Direktang nakausap ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang kompanya sa manufacturing, information technology, renewable energy, healthcare, at research and development.

Lahat umano ng mga nakausap ng Pangulo, bilib sa talento at trabaho ng mga Pilipino.

Kaya tiyak na maraming US companies ang magha-hire ng Filipino workers.

“When realized, these investments will support countries, economic recovery efforts and further strengthen the foundations of our economic environment,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Bukod diyan, nagkasundo rin sina Pangulong Marcos at US President Joe Biden na bumuo ng isang bilateral labor working group.

Layon nito na magkasamang ipatupad ng Pilipinas at Amerika ang internationally recognized labor rights.

At pangunahan ang palitan ng dayalogo sa pagitan ng US at gobyerno ng Pilipinas, labor unions at maging employer organizations.

Ang labor group na TUCP, bilib sa ginawa ng Pangulo sa US.

 “So, what President Marcos is bringing back home is not just jobs per se. But decent jobs. Not minimum wage jobs but decent paying jobs. Not precarious, temporary employment but regular jobs,” ayon kay Luis Corral, Vice President, TUCP.

“Naniniwala ho kami na initial pa lang ho ‘iyon kasi katatapos lang po ng meeting at kagaya ho ng binanggit, this is a US-Philippines special friendship and alliance so expect those numbers to continue to translate to more investments and more better decent jobs,” ani Carlos Oñate, Congressional Officer, TUCP.

Saad din ng TUCP na si Pangulong Marcos ang pinakaunang chief executive ng Pilipinas na nagsulong sa karapatan ng mga manggagawa sa isang foreign event.

Pagtupad umano ito sa pangako na walang maiiwan at sabay-sabay na babangon muli ang mga Pinoy sa epekto ng pandemya.

“First time na nagkaroon ng whole package as a result of an official trip diba? Kumpleto siya eh as detailed kanina doon sa presentation. So that’s the main reason why andito po nagpapasalamat tayo sa kaniya,” saad ni Shirley Yorong, Assistant General Secretary, TUCP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter