NAGPASAILALIM sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Senator Panfilo Lacson at Senator Vicente “Tito” Castelo Sotto III.
Ito ay matapos na sabihin ng Pangulong Rodrigo Duterte na may isang tumatakbo sa pagka presidente na umano’y gumagamit ng droga o cocain.
Ayon kay labolatory service regional Director Randy Pedroso na nagtungo sa tanggapan ng PDEA labolatroy service sina aspirant President candidate Panfilo Lacson at pagka bise-presidente Tito Sotto III at nagpasailalim ito sa drug test pero wala pang sinabi na sila ay nagnegatibo o nagpositibo sa test.
Ayon sa tagapagsalita at PIO chief Director Derric Arnold Carreon na bukas ang PDEA labolatory service para sa schedule sa nais magpasailalim sa sinomang kandidatong tatakbo sa paka presidente , bise presidente, senator, congressman, governor, vice-governor, mayors, vice mayors, at mga konsehal ngunit kinakailangan nila gumawa ng letter request na naka address kay Director General Wilkins M. Villanueva.
Matatandaan noong nakaraang halalan, mayroon ding kumandidato sa pagkasenador ang nagpasailalim ng drug test sina Mocha Uson, at Senator Tito Sotto na personal na nagtungo sa PDEA labolatory service.