Lacson, nangakong bibigyang prayoridad ang peace and order problems sa mga lugar gaya ng Abra

Lacson, nangakong bibigyang prayoridad ang peace and order problems sa mga lugar gaya ng Abra

NANGAKO si presidential candidate and Senator Panfilo Lacson na bibigyan nito ng prayoridad ang peace and order problems sa mga lugar sa bansa gaya ng Abra.

Ito ang inihayag ni Lacson matapos nitong igiit na isa ang Abra sa mga lugar kung saan mayroong nangyayaring kaguluhan lalo na sa kalagitnaan ng eleksyon.

Muling binanggit ng dating Philippine National Police Chief na noong 2013 elections ay hiniling nitong maging Regional Director ng Cordillera Administrative Region si dating Police Official Benjamin Magalong.

Binisita ng mambabatas ang Bangued, Abra upang isagawa ang kanyang town hall meeting kasama ang iba’t ibang sektor bilang parte ng kanyang kampanya sa eleksyon 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter