Lagda ni SOJ Remulla para sa pagpatatayo ng hiwalay na piitan para sa mga sangkot sa heinous crimes, hihintayin pa

Lagda ni SOJ Remulla para sa pagpatatayo ng hiwalay na piitan para sa mga sangkot sa heinous crimes, hihintayin pa

TANGING ang pirma na lang ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hinihintay para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11928 o ang batas para sa separate facility for heinous crimes.

Kapag nalagdaan na ito ni Remulla ay magkakabisa ang batas 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.

Isa sa mga pangunahing probisyon ng naturang batas ay dapat itayo ang piitan na malayo sa general population at ibang persons deprived of liberty at hanggang maaari ay nasa loob ng military facility o isla na malayo sa mainland at isolated na lokasyon.

Mayroon din dapat na hindi bababa sa 3 hiwalay na pasilidad para sa high-level offenders o tig-isa sa Luzon, Visayas, at Mindanao at ang bawat pasilidad ay dapat na may hiwalay na gusali para sa lalaki at babaeng bilanggo.

 

Follow SMNI News on Twitter