Lahat ng presidential candidates, umaasa na iendorso ng PDP-Laban – Matibag

Lahat ng presidential candidates, umaasa na iendorso ng PDP-Laban – Matibag

IBINAHAGI ni acting Cabinet Secretary at PDP-Laban Cusi wing Secretary General Melvin Matibag na matagal nilang napagdesisyunan na iendorso si presidential candidate Bongbong Marcos.

Aniya, lahat ng presidential candidates ay umaasang iendorso ng PDP-Laban.

Subalit maingat anilang pinag-isipan kung sino ang nararapat para iendorso ng kanilang partido.

Sinabi naman ni Matibag na karamihan sa mga miyembro nila ay ninanais talaga na si BBM ang susuportahang kandidato.

Samantala, ipinangako na ni BBM ayon kay Matibag na isasakatuparan nito ang 11-point agenda ng Cusi faction.

Follow SMNI NEWS in Twitter