SINUSPENDI na ng pamahalaan ng Bulacan ang lahat ng aktibidad ng pagmimina at pag-quarry sa probinsya.
Ito ang inanunsyo ni Governor Daniel Fernando sa Luksang Parangal para sa limang rescuers na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding sa probinsya.
Ayon kay Fernando, panahon na upang pangalagaan at isalba ang kalikasan.
Sinabi ni Fernando na Agosto 25 pa nang lagdaan ang executive order laban sa pagmimina at mahalaga na mahigpit itong maipatupad.
Nangako rin ang gobernador na bubuo ng mga programa na titiyak sa seguridad ng mga disaster worker.