SINABI ni Former Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na lahat ng mga ipinahayag ni VP Sara Duterte ay walang ground para idemanda siya, puro politika lang.
“Lahat ng mga ipinahayag ni VP Sara ay walang ground para idemanda siya, whether criminal, administrative, o impeachment. Lahat ‘yan, puro politika lang.”
“Kahit isa-isahin mo pa sa impeachment, anong magiging base nila? Dahil sa confidential funds? Eh, ‘yung confidential funds, nakabinbin pa sa COA,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo.