Lalabag sa trans fat ban, matatanggalan ng certificate of product registration

Lalabag sa trans fat ban, matatanggalan ng certificate of product registration

MATATANGGALAN ng certificate of product registration ang sinumang lalabag sa circular order ng Food and Drug Administration (FDA) at administrative order ng Department of Health (DOH) na ipinagbabawal na ang produktong may trans fat sa Pilipinas.

Ayon ito kay ImagineLaw Executive Director Atty. Sophia San Luis sa panayam ng SMNI News.

Matatandaang Hunyo 19, 2023 ang unang araw ng pagpatutupad ng ‘trans fat ban’ bagamat taong 2021 pa nang maglabas ng kautusan ang DOH para ipagbawal ang paggawa, pagbebenta at pag-import ng mga pagkain na may trans fat.

Saklaw sa kautusan ang pre-packaged foods gaya ng popcorn, frozen pizza, french fries, doughnuts, fried chicken, non-dairy coffee creamer at margarine.

Ang hindi pa lang agarang makapagtutupad nito ay ang restaurants, street vendors at iba pang kasama sa informal economy.

Samantala, ayon sa mga eksperto, ang mataas na lebel ng trans fat ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter