Lalake sa Japan, arestado sa pagpatay sa isang bata na ibinabad sa mainit na tubig

Lalake sa Japan, arestado sa pagpatay sa isang bata na ibinabad sa mainit na tubig

ARESTADO ang isang lalake sa Osaka, Japan matapos nitong ibinabad sa mainit na tubig at pagpatay sa isang bata na tatlong taong gulang.

Inaresto kahapon ang bente tres anyos taong gulang na lalake sa Osaka, Japan dahil sa pagpatay sa isang bata sa isang hot shower water.

Ayon sa Osaka Prefectural Police, ang paratang na ito ay itinanggi di umano ng 23 anyos na suspek na si Takumi Matsubara.

Agosto 31 nitong taon ng mapatay ni Matsubara ang bata sa isang hot shower sa apartment nito sa Settsu.

Sinabi ni Matsubara na naglalaro lamang sila ng bata at lumabas lamang siya mula sa shower para ilagay sa mas mataas pa na temperatura ang tubig, ng pagbalik niya’y nadatnan na niya ang bata na nakahandusay.

“I was playing with a boy in a hot shower. At the end, I set the temperature to 60 degrees and lost consciousness when I took my eyes off,”ayon kay Matsubara.

Maaalalang Mayo nitong taon ay komunsulta ang ina ng bata sa lokal na pamahalaan ng Settsu hinggil sa pang-aabuso umano ng lalake sa bata; ngunit ang pasya noon ng lokal ng pamahalaan ng Settsu sa naturang sitwasyon, ay hindi raw kinakailangan ng anumang proteksyon para sa bata.

SMNI NEWS