Lalaki, pinatay ng kaibigan matapos maingayan sa pagkanta sa Misamis Oriental

Lalaki, pinatay ng kaibigan matapos maingayan sa pagkanta sa Misamis Oriental

TRAHEDYA ang sinapit ng isang lalaki sa Sitio Banban, Barangay Looc, Villanueva, Misamis Oriental, matapos gilitan ng leeg ng sariling kaibigan noong gabi ng Hunyo 28.

Ayon sa imbestigasyon ng Villanueva Municipal Police Station, inamin ng suspek na nawalan siya ng kontrol at ginilitan ang biktima dahil sa umano’y sobrang ingay nito habang kumakanta.

Batay sa salaysay ni Narciso Dayle, kapatid ng biktima, isang karit ang ginamit sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang kabuuang detalye ng insidente at masampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble