NAGKAROON ng panibagong break-in attempt ang Tribeca townhouse ni Taylor Swift sa New York City.
Ayon sa mga witness, sinubukan ng isang lalaki na pumasok sa townhouse nitong Enero 20, 2024.
Hindi man nakumpirma na break-in attempt ang insidente subalit inaresto na rin ng New York Police ang tinutukoy na lalaki.
Ang lalaking ito ay dati nang nagkaroon ng hiwalay na warrant of arrest noong 2017.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang pasukin ang mga bahay ni Taylor dahil nangyari din ito sa kaniyang bahay sa Beverly Hills, California at Watch Hill, Rhode Island.