Lalaking nagnakaw ng motorsiklo, nasawi sa checkpoint sa Cavite

Lalaking nagnakaw ng motorsiklo, nasawi sa checkpoint sa Cavite

NASAWI ang isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo matapos manlaban sa mga pulis sa checkpoint sa Naic, Cavite.

Sa ulat ng Naic Municipal Police Station, nangyari ang insidente kaninang 1:30 ng madaling araw sa Barangay Timalan Conception.

Isang Robert Litada ang tumawag sa mga pulis para isumbong ang pagnanakaw sa kanyang motorsiklo.

Agad namang inalerto ang mga pulis na nagmamando sa Oplan Sita at sinubukan nilang harangin ang suspek pero pinaputukan sila nito.

Napilitan na gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan ang suspek na dinala pa sa pagamutan ngunit ideklara ng dead on arrival.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek habang narekober ang ninakaw nitong motorsiklo.

Follow SMNI NEWS in Twitter