Lalaking suspek, gumagamit ng menor-de-edad para magbenta ng droga sa Caloocan

Lalaking suspek, gumagamit ng menor-de-edad para magbenta ng droga sa Caloocan

ARESTADO ng mga tauhan ng Northern Police District ang isang 50 anyos na lalaki na gumagamit ng mga menor-de-edad sa pakikipagtransaksiyon nito sa bentahan ng ilegal na droga.

Naaresto ang suspek kasunod ng ikinasang buy bust operations ng pulis kung saan sa halip na makipagtransaksiyon sa pulis, ay gumamit ito ng dalawang menor-de-edad na estudyanteng lalaki sa mismong tahanan nito sa Domato St., Brgy. 188, Caloocan City, araw ng Miyerkules, Enero 15, 2025.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, isang tindero ng RTW ang suspek at nakuha sa kaniya ang nasa 625 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P4.4M.

Napag-alamang ginagamit na front ng suspek ang pagbebenta ng RTW para sa ilegal na aktibidad nito.

Habang agad ring ni-rescue ang dalawang batang estudyante na kinilalang sina alyas “Saad” – 15 anyos, at alyas “Jamaloden” –17 anyos.

P17-M halaga ng shabu, nasabat sa Mandaue City, Cebu; isang babae, arestado

Samantala, isang 22 anyos na babae naman ang inaresto rin ng mga tauhan ng Mandaue City Police Office City Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Tipolo, Mandaue City, Cebu, Miyerkules ng gabi Enero 15.

Kinilala ang suspek na si Perlyn Rose Alferez – walang trabaho at residente ng Brgy. Lorega sa Cebu.

Nakuha mula sa suspek ang 9 na pakete ng shabu na may timbang na 2,500 gramo at may katumbas na halagang P17M.

Agad namang dinala sa NPD 7 Regional Forensic Unit ang mga ebidensiya para sa chemical analysis at disposisyon nito.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 naman ang inihaing kaso laban sa suspek.

Nagkasa na rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga posibleng kasabwat ng suspek at saan galing ang mga ilegal na droga na ibinibenta nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble