Lalawigan ng Cebu nagpatupad ng 24 oras na curfew hour para mga mag-aaral at senior citizens

EPEKTIBO na kahapon ang 24 oras na curfew hour para sa mga mag-aaral at Senior Citizens sa buong lalawigan ng Cebu.

Base sa ipinalabas na executive order ni Cebu Governor Gwen Garcia, pinagbawalang lumabas sa kanilang mga tahanan araw at gabi ang mga mag-aaral at mga senior citizens, 65 taong gulang pataas.

Dahil ditto, hinimok ng gobernador ang mga Sugbauanon na magdala ng kanilang Identification cards o Cedula upang ditermina ng kapulisan at military kung ito ay mag-aaral, empleyado o Senior Citizens.

Subalit, nilinaw ni Garcia na maari paring lumabas ng bahay ang mga indibidwal na pupunta sa mga health facilities o bibili ng gamot sa mga drugstores sa pamamagitan ng pagpapakita ng ID o certificate of residence mula sa otoridad kung mayroong importanteng transaksiyon sa labas ng bahay.

Ang nasabing kautusan ay karagdagang hakbang ng lalawigan upang mapigilin ang paglaganap ng COVID-19 sa probinsya.

Samantala, inatasan naman ng gobernador ang mga kompanya ng Cebu, na ipatupad ang skeletal workforce at payagang magtrabaho ang kanilang empleyado sa mga tahanan.

Hindi kasali sa nasabing kautusan ang mahalagang establisyemento gaya ng health care operations, imprastraktura, telecommunication, paliparan, transportasyon, grocery stores at pharmacies, mga bangko; konstruksyon at mga news media.

Ulat ni: Bryan Capunong

Leave a Reply

Your email address will not be published.