ISINAILALIM ang Nueva Ecija sa state of calamity matapos sinalanta ng Bagyong Karding ang malaking bahagi ng lalawigan.
Inirekomenda ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa matinding epekto ng bagyo sa sektor ng agrikultura, imprastraktura, at sa kabuhayan ng mga Novo Ecijanos.
Matinding baha rin ang nararanasan sa Nueva Ecija at putol din ang suplay ng kuryente.
Dahil dito, papayagan na ang LGU na gamitin ang kanilang calamity funds at magpatutupad din ng prize freeze sa mga basic commodities.