Land Bank, naglabas ng P700-M loan para sa Davao LGU

Land Bank, naglabas ng P700-M loan para sa Davao LGU

NAGPAABOT ng P700-M na pautang ang Land Bank of the Philippines para sa development project ng Davao del Sur Local Government Unit.

Ayon kay President at CEO ng Land Bank na si Lynette V. Ortiz nitong Martes Hunyo 27, nakikipag-ugnayan ang Land Bank sa Davao at iba pang LGU o pamahalaang panlalawigan para sa pagsulong ng mga proyektong pang-ekonomiya.

Base sa loan agreement sa Davao LGU, gagamitin ang P215-M para sa pag-upgrade ng Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH) at iba’t ibang kagamitang medikal, dental at laboratoryo ng ospital.

Ang P40-M naman ang tutustos sa mga healthcare services ng LGU sa pagtatatag ng isang bio-medical waste management system.

Magiging pondo naman ang P220-M sa paggawa ng libangan at isports tulad ng Gov. Douglas R.A. Cagas Sports Complex at business center sa Digos City.

Ilalaan naman ang P125-M sa pagbili ng mga bagong heavy equipment at service vehicle na gagamitin sa pagpapanatili at rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay at iba pang proyekto sa buong lalawigan.

At ang P100-M naman ay para sa automation o digitalization ng LGU sa mga transaksiyon at serbisyo ng lalawigan.

Ayon sa Land Bank, patuloy na susuporta sa mga LGU, lokal na komunidad upang maisulong ang inclusive development agenda ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter