Lapid: 640 OFWs, nabiyayaan ng ayuda sa Parañaque City mula sa DSWD-AICS

Lapid: 640 OFWs, nabiyayaan ng ayuda sa Parañaque City mula sa DSWD-AICS

NAMAHAGI si Supremo Sen. Lito Lapid ng ayuda sa 640 pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Metro Manila.

Sa isinagawang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at OFW Party-list sa Ayala malls, Parañaque City, tumanggap ang mga benepisyaryo ng halagang P2-M mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Sa kaniyang talumpati, itinuring ni Sen. Lapid na mga ‘Buhay na Bayani’ ang mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay at nagpasalamat sa malaking ambag sa ekonomiya ng remittances ng mga ito.

Ayon kay Lapid, patuloy na nakatutok ang kaniyang opisina sa mga problema ng mga OFW at kanilang pamilya para mabigyan ito ng solusyon.

Kamakailan, nagsulong si Supremo ng isang resolusyon para imbestigahan ng Senado ang kuwestiyunableng pagkawala at pag-abandona ng mga balikbayan box ng ilang local at foreign cargo forwarding companies.

Sa pamamagitan ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino, nagpaabot naman ng pasasalamat kay Supremo ang mga benepisyaryo sa natanggap na napapanahong ayuda na anila’y malaking tulong na sa kanilang pangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble