Laro ng Gilas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, aabangan na bukas

Laro ng Gilas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, aabangan na bukas

HANDANG-HANDA na ang National Basketball Team na Gilas Pilipinas para sa International Basketball Federation (FIBA) Olympic Qualifying Tournament.

Ito’y matapos ang halos isang buwang paghahanda ng team sa training ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Umalis na noong Linggo ng gabi ang Gilas patungong Graz, Austria para sa tournament na magsisimula bukas, Mayo abente sais hanggang sa a-trenta.

Kabilang sa six-man team ni Coach Ronnie Magsanoc ang mga regular member na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, CJ Perez at Mo Tautuaa, at ang reserve na si Leonard Santillan.

Hindi naman nakasama sa byahe si PBA free-agent Karl Dehesa dahil kinukumpleto pa nito ang labing-apat na araw na mandatory quarantine.

Unang makakaharap ng Gilas sa laro bukas ang koponan ng Qatar at ang Slovenia.

 

SMNI NEWS