NAGDEKLARA ng walang pasok ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa lahat ng antas ng paaralan ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 22, 2023.
Ayon sa Las Piñas City Public Information Office, bunsod ito sa banta sa kalusugan ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.
Pinapaalalahanan din ang mga Las Piñeros na magsuot ng face mask upang maiwasan ang paglanghap nito.