IBINIDA ng Office of the Vice President (OVP) ang latest achievement ng kanilang mga programa.
Nasa 30,120 na ang nakabenepisyo ng Burial Assistance Program ng OVP.
Habang nasa 119,234 katao ang nakabenepisyo ng kanilang Medical Assistance at 205,692 na mga pamilya sa kanilang Relief Operations.
Batay ito sa pinakalatest na datos ng OVP.
Nasa 1.1 milyon na nutribun naman ang naibigay ng OVP mula Mayo 2023 hanggang Abril 2024 sa ilalim ng kanilang “Pansarap Program” sa mga paaralan na may mataas na malnutrisyon.
Katumbas ito sa 14,472 na student beneficiaries.
Sa Libreng Sakay Program ng OVP, nasa 1,000,682 rin ang commuter beneficiaries.