Latest hearing ng drug case ni De Lima, ipinagpaliban

Latest hearing ng drug case ni De Lima, ipinagpaliban

SUSPENDIDO na muna ang hearing ng drug case ni senatorial re-electionist Leila De Lima.

Kasunod ito sa kabiguang maiharap ng prosekusyon ang kanilang witness na si New Bilibid Prison inmate Joel Capones noong Lunes.

Sa isang pahayag, hindi pisikal na makadalo si Capones dahil sa high risk security concerns.

Sa Mayo 30 na lang muli itinakda ang hearing ng kaso ni De Lima.

2017 pa nang makulong si De Lima dahil sa kasong gumagamit umano ito ng drug money sa kanyang pangangampanya bilang senador noong 2016.

Naibasura na ang isa sa tatlo nyang mga kaso subalit ang dalawa ay nananatili pang nakahain sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Follow SMNI NEWS in Twitter