Latest single ng SB19 nakakuha ng mahigit 10M views

Latest single ng SB19 nakakuha ng mahigit 10M views

SUPER ang views at support ng fans online ng Filipino boy group na SB19.

Umabot lang naman kasi sa mahigit 10 million ang views ng kanilang latest single na “Dam” inilabas lamang nitong Biyernes, Pebrero 28.

Trending din na topic sa X ang hashtag ng grupo na #dammv10millionviews.

Dahil dito, nagpasalamat ang P-pop idols online sa kanilang mga fans sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang mga kanta.

Maaari naman mapakinggan ang “Dam” sa official YouTube channel ng SB19, Spotify, Apple Music, Deezer, at Amazon Music.

Ang “Dam” ay bahagi ng kanilang extended play na “Simula at Wakas,” na nakatakda namang ilunsad sa Abril 25.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble