Launching ng special week ng bakunahan ng DOH ngayong araw ipinagpaliban

Launching ng special week ng bakunahan ng DOH ngayong araw ipinagpaliban

HINDI muna tuloy ngayong araw ang launching ng Special Week ng bakunahan ng booster ng Department of Health (DOH) dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Karding.

Ito ay nakasaad sa memorandum na inilabas ng DOH araw ng Linggo.

“Due to inclement weather brought about by Super Typhoon ‘Karding,’ the PinasLakas Bakunahang Bayan launch scheduled tomorrow, Sept. 26, 2022, is hereby suspended in the National Capital Region and the rest of Luzon, indefinitely,” saad ng DOH.

Ang special vaccination na ito ay tinawag na “PinasLakas Bakunahang Bayan” ay bahagi ng estratehiya ng ahensya para mapataas ang booster coverage ng bansa sa 30 porsiyento pagkatapos ng 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Noong una, nasa 50 porsiyento ang target ng DOH pero dahil sa naging mabagal ang bakunahan sa booster ay malabo na mahabol ito sa Oktubre 8 kaya ibinaba sa 30 percent.

Sa Oktubre 8 magtatapos ang unang 100 araw ng Pangulo.

Sa ngayon ay nasa 24 porsiyento na ang booster coverage ng bansa mula sa eligible population.

Katumbas ito ng 18.8 milyon na nabakunahan ng booster.

Dahil dito, 6 porsiyento na lang ang hinahabol ng ahensiya para makamit ang 30 percent na target para sa bakunahan ng booster.

Samantala, nakasaad naman sa memorandum, na ang launching ng naturang special vax sa iba pang rehiyon sa Visayas at Mindanao ay maaari pa ring maipagpatuloy depende sa concerned executive committee members at regional directors.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

“PinasLakas” campaign para sa booster shot, itinangging hindi epektibo

50% booster coverage sa unang 100 araw ni PBBM imposible nang maabot –DOH

Pamahalaan, hinimok ang publiko na makiisa sa Bakunahang Bayan sa September 26-30

Follow SMNI NEWS in Twitter