MAAARING hindi rin makapaglalaro para sa Chery Tiggo ngayong PVL Reinforced Conference sina Eya Laure at Jennifer Nierva.
Ayon kay Premiere Volleyball League (PVL) President Ricky Palou, ito ay kung hindi papayagan sina Laure at Nierva na maglaro para sa national pool.
Kasunduan na aniya ito nila sa pagitan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Nauna nang sinabi rin ni Palou na ibabalik pa rin naman sa kanilang mother teams ang players na nananatili sa Alas Pilipinas pool ngayong Agosto 11.
Kasabay ito ng pagtatapos din ng magiging leg 2 ng Southeast Asian V. League sa Thailand.
Iyon nga lang hindi na muna sila makapaglalaro para sa kanilang mother teams sa pagsisimula ng PVL Reinforced Conference ngayong Hulyo 16.