NARARAMDAMAN ng e-commerce platform Lazada Philipines ang pagbaba ng cash-on-delivery methods dahil sa dumarami na ang gumagamit ng digital wallets sa pagbabayad.
Ayon kay Lazada Philippines Chief Executive Officer Carlos Otermin Barrera, bumaba na ang cash-on-delivery kung saan dati nasa 70% – 80% ngunit patuloy itong bumababa bawat taon at patuloy na nawawalan ng kahalagahan.
Matatandaang kumarera ang cash-on-delivery method noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at sa parehong panahon bumaba ang digital wallet methods.
Samantala, may alok naman ang GCash at PayMaya ng mga insentibo tulad ng mga libreng shopping coupon, voucher, at mas mataas na diskuwento para sa mga costumers na gumagamit ngayon ng wallets.