MAGBABALIK na sa pag-perform on stage ang Award Winning Miss Saigon singer na si Lea Salonga matapos itong magpositibo sa COVID-19.
Sa kaniyang official social media post, ibinahagi ng singer na mas maayos na ang kaniyang pakiramdam ngayon ngunit aniya hindi pa ito 100% fully recovered.
Matatandaan na Agosto 7 nang inanusiyo ni Lea Salonga na nagpositibo ito sa COVID-19 na agad naman huminto muna sa pagtra-trabaho.
Umaasa naman ngayon ang singer na makakabalik na ito sa pagpe-perform sa lalong madaling panahon.
Ang “Here Lies Love” na unang palabas sa Broadway na may all-Filipino ensemble ay nagbukas noong Hulyo 20 at magtatapos sa darating na Agosto 19.