MAGKAKAROON na ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore ang Pinay Theater Legend na si Lea Salonga.
Mismong ibinahagi ito ng Madame Tussauds sa kanilang social media account.
Kung matatandaan naman, si Lea ang kauna-unahang Pilipino at Asian na nanalo ng Tony Award at Laurence Olivier Award for Outstanding Performance dahil sa pagganap nito bilang original na Kim sa musical na “Miss Saigon”.
Dahil dito, “deserve” lang din ng theater legend ang magkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds!
Samantala, nauna nang nagkaroon ng wax figures na obra ng Madame Tussauds sina Manny Pacquiao, Anne Curtis, Catriona Gray, at Pia Wurtzbach.