Leadership ni PRRD, malaking tulong sa pagpapatuloy ng ‘Build, Build, Build’ program sa kabila ng pandemya—  Sec. Villar

Leadership ni PRRD, malaking tulong sa pagpapatuloy ng ‘Build, Build, Build’ program sa kabila ng pandemya— Sec. Villar

MALAKING tulong ang leadership ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapatuloy ng ‘Build, Build, Build program.

Tinuturong dahilan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang leadership ni Pangulong Duterte kung bakit nagpapatuloy pa rin ang programa sa kabila ng pandemya.

Ani Sec. Villar, malaking hamon ang pandemya upang matiyak na ligtas ng mga trabahante sa gitna ng patuloy na pagpapatayo ng mga proyekto.

Sa kabila nito, inihayag ni Villar na kailangan pa ring magpatuloy dahil kailangang lumaban para sa kinabukasan.

Tiniyak din ng kalihim na kanilang tatapusin ang lahat ng proyektong sinimulan ng Duterte Administration.

 

SMNI NEWS