BINIGYANG-diin ni Senator Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na buhusan ng bilyun-bilyong pondo ang Learning Recovery Program ng Department of Education (DepEd).
Sabi ni Gatchalian na kung paano ang naging tugon ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic at pagpondo nito noon ay ganoon din dapat sa learning recovery.
Tinatayang P10-B ang kakailanganin upang mas maraming batang maturuang magbasa o magbilang.
Susubukan umano ni Gatchalian na kumbinsin ang mga kapwa mambabatas sa bicameral deliberations ng 2024 national budget para dagdagan ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa Learning Recovery Programs nito.
Sakaling mabigo, imumungkahi ng senador na kumuha mula sa aprubadong contingency funds ng Office of the President.