TUMUTOL ang isang eksperto mula sa Lebanon sa pagpapakawala ng nuclear-contaminated water ng Fukushima.
Hindi man direktahang inihayag ng isang eksperto mula sa Lebanon ang kaniyang pagtutol sa plano ng Japan tungkol sa nuclear-contaminated water ng Fukushima ay kaniya namang nilinaw na makaaapekto ito sa ecosystem ng mundo.
Ayon kay Manal R. Nader, director ng Institute of Environment, University of Balamand ng Lebanaon na hindi masusukat ang halaga ng pinsala sa tao at sa ecosystem ng mundo.
Ngunit sa kabila ng matinding alalahanin mula sa mga bansa na tumututol sa plano ng Japan, iginigiit pa rin ng gobyerno ng Japan at ng Tokyo Electric Power Company na umano’y ligtas na ang ginagamot na nuclear-contaminated water ng Fukushima at ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapalabas ng tubig ngayong Agosto.
“I think everybody understands that the globe and the ecosystems within it are interconnected. Regardless if something happens in Fukushima, eventually it will reach me,” ayon kay Manal R. Nader, Director, Institute of Environment, University of Balamand.
Ayon kay Manal R. Nader, naiintindihan naman siguro ng lahat na ang globo at ang ecosystems ay magkaugnay, kung sakali man ano ang mangyari sa Fukushima ito ay makakarating sa iba pang mga bansa at lalaganap sa buong mundo.
“We have something called biomagnified radioactivity, because small organisms will accumulate the radioactive material, but what happens is that a bigger organism will eat many of those, so it will have all of these inside of it plus what it acquired, then you get another big fish that eats all of those, so you get something that we call biomagnifications,” dagdag ni Nader.
Aniya, kapag ang radioactive elements ay nagsama-sama maging ang biological chain, ito’y maaaring magdulot ng matinding epekto sa kalusugan ng tao gaya ng acute radiation syndrome, cancer, at cardiovascular disease.
“Because we know that radioactivity will affect the behavior of all marine organisms or any organisms,” ani Nader.
Dagdag pa ni Nader, alam ng lahat na ang radioactivity ay makakaapekto sa pag-uugali ng lahat ng mga marine organisms at ang radioisotope at tritium ay maaaring makapinsala sa istruktura ng DNA na walang alinlangang makakasama sa reproductive behavior.