Lebanon may babala sa Israel hinggil sa planong all-out war nito

Lebanon may babala sa Israel hinggil sa planong all-out war nito

IBINABALA ng Hezbollah Militant Group ng Lebanon na wala nang magiging ligtas na lugar sa Israel kung sakaling lalaki pa ang nagsisimula nang digmaan sa pagitan nila.

Matatandaang nakikisimpatiya ang Hezbollah sa Hamas Militant Group ng Palestine ngayong nagpapatuloy ang Gaza War.

Walong buwan na ring nagpapalitan ng mga pag-atake ang Lebanon at Israel dahil dito.

Sa isang televised address, binigyang-diin ni Hezbollah Chief Sayyed Hassan Nasrallah na may mga target na sila sa Jerusalem.

Nauna nang sinabi ng Israel na malapit na nilang simulan ang isang all-out war kontra Hezbollah matapos sinabi ng kanilang military na aprubado na ang operational plans kontra Lebanon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble