Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba

PATULOY pa ring nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Sa monitoring ng PAGASA Hydro-Meteorological Division, bumaba pa sa 198.33 meters ang water level sa angat kaninang 6:00 AM.

Mas mababa ito ng 0.26 meters kumpara sa 198.59 meters na naitala kahapon.

Wala namang pagbabago sa water level sa Ipo dam na nanatili sa 101 meters habang bahagyang tumaas sa 76.93 meters ang water level sa La Mesa dam mula sa 76.92 meters kahapon.

Pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon maliban sa Ambuklao dam na bahagyang nadagdagan.

Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kanilang mahigpit na babantayan ang suplay ng tubig sa kamaynilaan lalo na at kailangan ito sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.