Lechon, tumaas ang presyo ng P3-K ngayong Chinese New Year

TUMAAS ang presyo ng lechon ng P3-K ngayong Chinese New Year.

Ito ay sa gitna ng kakulangan ng suplay ng baboy sa merkado dahil sa ilang araw na pork holiday dahil sa price ceiling ng gobyerno.

Ayon sa isang vendor, bumaba ang tubo nila ng halos kalahating porsyento simula pa noong Disyembre.

Kabilang sa mga tumaas ang presyo ay ang mga pork products gaya ng chicharon.

Maging ang mga karinderia na nagtitinda ng ulam na may karneng baboy ay nagtaas na rin ng presyo.

Matatandaang, nangako ang Department of Agriculture (DA)na magsu-suplay ng karneng baboy sa Metro Manila araw-araw para matugunan ang kakulangan sa suplay ng baboy at mapanatiling mababa ang presyo.

SMNI NEWS