BIBISITA sa Maynila si Korean superstar Lee Min-ho sa Oktubre upang ipagdiwang ang ika-65 anibersaryo ng SM Development Corporation (SMDC).
Ito ang inanunsiyo ng SMDC nitong Miyerkules, Setyembre 6.
Matatandaang inanunsiyo rin ng SMDC noong Marso ang bago nitong endorser kung saan pinahalagahan naman ng Korean actor na maging kabahagi ng pamilya.
Bumida si Lee Min-ho sa mga drama na “Pachinko”, “The King: Eternal Monarch”, “Boys Over Flowers”, “City Hunter”, “The Heirs” at “The legend of the Blue Sea”.