Legal team ni FPRRD sisikaping mapalaya siya mula sa ICC

Legal team ni FPRRD sisikaping mapalaya siya mula sa ICC

TATRABAHUHIN ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapalaya siya mula sa pagkaka-detain sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Naniniwala ang kampo ng dating pangulo na wala namang rason para i-detain ito sa nalalapit niyang paglilitis.

Ayon kay Atty. Silvestre Bello III, hindi tatakas ang dating pangulo lalo na’t kilala siya ng mga tao at wala rin itong mapupuntahan.

Batay sa panuntunan ng ICC, maaaring humiling ang isang akusado ng pansamantalang paglaya depende sa ilang kundisyon na pinapayagan ng korte.

Ang legal team ni FPRRD na pupunta rin sa Netherlands ay kinabibilangan nina Bello, Martin Delgra, Israelito Torreon, Vic Rodriguez, Fred Lim, Cesar Dulay na dating commissioner ng Bureau of Internal Revenue, at si dating Executive Sec. Salvador Medialdea.

Samantala, sinabi na rin ng nabanggit na legal team na kukwestyunin din nila ang hurisdiksiyon ng ICC sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter