Legalidad ng pag-aresto kay FPRRD, kuwestyonable—Litigation Lawyer, Constitutional Law Prof.

Legalidad ng pag-aresto kay FPRRD, kuwestyonable—Litigation Lawyer, Constitutional Law Prof.

HABANG marami ang bumabatikos at nagtatanong sa legalidad ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ilang eksperto sa batas ang nagsasabing maaaring labag ito sa umiiral na proseso ng ating hudikatura at soberaniya bilang isang malayang bansa.

Para kay Atty. James Reserva, isang Litigation Lawyer at Professor ng Constitutional Law, may karapatan din si dating Pangulong Duterte na kuwestyunin ang legalidad ng warrant of arrest na inilabas laban sa kaniya.

“Merong right si Pangulong Duterte to question the validity of the warrant of arrest, kasi talagang maraming questions ‘yan. One fundamental question is lack of jurisdiction, dapat ma-resolve ‘yan. At saka, bakit hindi siya pinagbigyan, imagine he is denied of a visit of his family members, grabe talaga ang nangyari doon, kitang-kita naman yan sa lahat the whole world was watching how the rights of the former president including his family members we’re crumpled upon,” pahayag ni Atty. James Reserva, Litigation Lawyer Professor, Constitutional Law.

Giit pa ni Reserva, ang naturang aksiyon ay tila direktang sampal sa integridad ng ating hudikatura.

Aniya, ang ipinapahiwatig ng pangyayaring ito ay tila hindi kayang maglitis ng sarili nating korte, sa kabila ng malinaw na kakayahan ng bansa na hawakan ang mga ganitong kaso, kahit pa laban sa isang dating Pangulo.

“Ito ang hypocrisy, we’re always fighting, asserting our sovereignty abstract nga ‘yan na sovereignty-ito actual na ito, ating former President, ating citizen, ngayon i-surrender natin, why not try him before our judicial bodies. We are proud to shout to the whole world na we are a country of laws, a government of laws not of men. Meron tayong functional judicial system, bakit hindi natin dito ilitis, i-try na meron na tayong tested na mga sistema,” paliwanag ni Reserva.

Dagdag pa niya, ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay isang anyo rin ng paglabag sa mga karapatang pantao na malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas.

“Pagyurak ito, parang it is a slap on our judiciary na parang we are telling to the whole world na kayo na ang bahala mag-trial dito, mag-hearing dito kasi ‘yung bansa namin ay unable parang inutil, hindi naman ‘yan. As a lawyer I am a witness to how robust, how strong, how functional our judicial system,”  paliwanag nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble